(Beatriz Gonzales)
Kung ikukumpara natin ang kultura natin ngayon sa kultura ng mga sinaunang tao, makikita natin ang malaking pagkakaiba nito. Mas maunlad tayo ngayon sa ibat ibang aspeto ng ating kultura dahil sa mga bagay na sila rin ang nagpanimula.
Ang mga kasangkapan ng mga sinaunang tao noon ay gawa lamang sa mga bato. Ginagamit nila itong mga armas o kaya naman ay panulat o palamuti. Ngayon, ang mga kasangkapan ay mayroon ng gawa sa bakal, plastik, kahoy at iba pa. Noon, upang sila ay mabuhay, sila ay nangangaso at nangingisda. Ngayon, tayo ay nag-aalaga na ng mga hayop at nagtatanim upang tayo ay mayroong makain. Kung atin ding mapapansin, pati ang mga pananamit at mga relihiyon na nagsimula lamang sa mga balat ng hayop at sa pagsamba ng mga bagay ay nagkaroon tayo ng mga damit na gawa sa tela mula sa mga halaman at mas maraming relihiyon na dinala rin ng ibang mga lugar. Kung teknolohiya ang pag-uusapan, makikita talaga ang pagsulong ng ating kultura. Mayroon tayong mga gadyets na nagagamit natin sa ibat ibang bagay at mga kagamitan na high-tech na ngayon.
Kailangan nating pasalamatan ang ating mga ninuno sa panimulang kanilang inihandog sa atin upang tayo ay mas umunlad. Nakatulong ito sa mas madali at mas mabilis na paggagwa natin sa pang-araw-araw. Dapat din nating bigyan ng importansya ang kanilang mga ginawa sapagkat ito ang nagbigay sa atin ng ideya upang ang mga bagay na ito ay isulong at magbigay kaunlaran sa ating bansa ngayon.
No comments:
Post a Comment