Monday, October 27, 2014

Ilagan Adrian Blog # 2



         Ang bawat bagay ay may pinagmulan. Kung ihahalintulad mo sa panitikan ito ay isang alamat. Ngunit sa mga arkeolohiya, ito ay hindi isang alamat.Katulad ng mga kasangkapan na ginamit ng mga sinaunang tao, ito ay natagpuan sa iba’t-ibang panig ng daigdig isa na rito ang lugar na Catal Huyuk. Natagpuan dito ang iba’t-ibang kasangkapan na ginagamit bilang rebulto, sandata at marami pang iba. Kung teknolohiya ang pag-uusapan, makikita talaga ang pagsubong ng ating kultura. Mayroon tayong mga gadyets na nagagamit ating Pang araw araw na pamumuhay .Ngayon, ang mga kasangkapan ay mayroon ng gawa sa bakal, plastik, kahoy at iba pa. Noon, upang sila ay mabuhay, sila ay nangangaso at nangingisda. Ngayon, tayo ay nag-aalaga na ng mga hayop at nagtatanim upang tayo ay mayroong makain.

Wednesday, September 17, 2014

Ang aking Pasasalamat

Sa mga ninuno, 


              Ako'y lubos na nagpapasalamat sa mga bagay na inyong ini-ambag. Mula sa sistema ng pagsulat, sining, agham, at iba pa, lahat ng ito'y nakatulong sa aming pamumuhay ngayon. Kung wala kayo, kung wala ang inyong magagandang ideya at kontribusyon, maaaring wala kami ngayon sa aming kinatatayuan. Dahil sa inyo, mas napabilis at napadali ang aming mga gawain at dahil doon ako'y nagagalak. Makakaasa kayo na amin pang palalawigin ang mga bagay at ideya na inyong iniwan at ipapasa sa mga susunod pang henerasyon sa ika-uunlad ng ating bansa. Salamat sa pagiging parte ng aming mga buhay at sa pag-unlad namin. Hinding hindi namin kayo at ang inyong mga ginawa makalilimutan at tatanawin namin ang lahat ng iyon na utang na loob sa inyo. Muli, ako'y lubos na nagpapasalamat.


                                                                                                                                 Gumagalang,
                                                                                                                                 
Beatriz C. Gonzales

Saturday, July 26, 2014

Pagsulong ng Kultura

(Beatriz Gonzales)

          Kung ikukumpara natin ang kultura natin ngayon sa kultura ng mga sinaunang tao, makikita natin ang malaking pagkakaiba nito. Mas maunlad tayo ngayon sa ibat ibang aspeto ng ating kultura dahil sa mga bagay na sila rin ang nagpanimula. 

          Ang mga kasangkapan ng mga sinaunang tao noon ay gawa lamang sa mga bato. Ginagamit nila itong mga armas o kaya naman ay panulat o palamuti. Ngayon, ang mga kasangkapan ay mayroon ng gawa sa bakal, plastik, kahoy at iba pa. Noon, upang sila ay mabuhay, sila ay nangangaso at nangingisda. Ngayon, tayo ay nag-aalaga na ng mga hayop at nagtatanim upang tayo ay mayroong makain. Kung atin ding mapapansin, pati ang mga pananamit at mga relihiyon na nagsimula lamang sa mga balat ng hayop at sa pagsamba ng mga bagay ay nagkaroon tayo ng mga damit na gawa sa tela mula sa mga halaman at mas maraming relihiyon na dinala rin ng ibang mga lugar. Kung teknolohiya ang pag-uusapan, makikita talaga ang pagsulong ng ating kultura. Mayroon tayong mga gadyets na nagagamit natin sa ibat ibang bagay at mga kagamitan na high-tech na ngayon.

          Kailangan nating pasalamatan ang ating mga ninuno sa panimulang kanilang inihandog sa atin upang tayo ay mas umunlad. Nakatulong ito sa mas madali at mas mabilis na paggagwa natin sa pang-araw-araw. Dapat din nating bigyan ng importansya ang kanilang mga ginawa sapagkat ito ang nagbigay sa atin ng ideya upang ang mga bagay na ito ay isulong at magbigay kaunlaran sa ating bansa ngayon. 

Tuesday, July 8, 2014

Ang Ating Daigdig

           Sa unang buwan ng pag-aaral sa Araling Panlipunan, napag-aralan ang Katangiang Pisikal ng Daigdid at pati na ang Heograpiyang Pantao. Saklaw ng mga pangunahing aralin na ito ang mga estruktura ng daigdig, longitude at latitude, klima, kontinente, anyong lupa at anyong tubig, wika, relihiyon, lahi at ang pangkat-etniko. 

            Sa pagtalakay ng mga ito, mas naunawaan ko ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirhan ng tao at lahat ng mga nabubuhay na organismo. Akin ring mas naunawaan pa ang papel ng mga ito sa ating buhay natin at kung bakit natin ito dapat pag-aralan. Ang mga bagay na natutunan ay dapat nating pahalagahan, isabuhay at gawing instrumento sa pagbibigay daan sa pag-unlad at sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig.